10 sasakyan nagkarambola, 4 sugatan (update)

Posted in: Featured, Latest News, Photo Story

10 sasakyan nagkarambola, 4 sugatan (update)

nlex accident 1 by ferdinand dizon lapuznlex accident 3 by ferdinand dizon lapuznlex accident 2 by ferdinand dizon lapuzApat ang sugatan sa karambola ng sampung sasakyan sa Northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay Rona Borlongan alas 10:00 ng umaga Lunes nang maganap ang aksidente sangkot ang 7 kotse at tatlong truck malapit sa San Fernando Exit sa Pampanga.

Dahil sa nasabing aksidente, naapektuhan ang daloy ng trapiko sa northbound lane, kaya pinagamit muna ang isang lane sa Southbound para sa mga patungo ng Norte.

Ayon naman kay NLEX Spokesperson Kiko Dagohoy, pawang minor injuries lamang ang tinamo ng mga nasugatan at nilapatan na ng lunas on-site.

Ayon sa NLEX. alas 2:15 ng hapon, mabilis na ang daloy ng trapiko sa magkabilang lane ng NLEX. /Ruel Perez

 

 

Leave a comment