Wacky Leaks

August 13, 2015 - 10:00 PM

den-macaranas1Pasok sa watchlist nng Philippine Drug Enforcement Agency ang Boyfriend ng isang beteranang aktres na minsan na ring nasabit sa droga.

Ayon sa ating Cricket sa PDEA, mga celebrities at ilang galing sa mga prominenteng pamilya ang mga kliyente ng drug dealer na ito na itatago natin sa pangalang BJ.

Si BJ ay pinsan ng dating live-in partner na “Tomboy” ng isang multi-awarded na aktres na swak sa kahit anong role sa TV man o sa pelikula.

Makaraang makipag break si Aktres sa kanyang lover na “Tibo” ay nakipag-relasyon naman sya sa drug dealer na ito para masustain ang kanyang pagka-gahaman sa illegal drugs.

Minsan na ring naging laman ng balita ang aktres dahil sa naturang bisyo pero hindi pa rin sya nadala.

Kamakailan sa isang location shooting ay nahuli siya ng ilang crew ng kanilang ginagawang pelikula na gumagamit ng bawal na gamot sa loob ng isang tent.

Imbes na humingi ng sorry o mahiya sa kanyang ginagawa, pinagsisigawan at pinagalitan pa ni Aktres ang mga crew na naka-huli sa kanya.

Sa galit ng mga crew ay isinumbong nila si Aktres kay Direk pero dahil takot din na masinghalan ang baklitang Movie Director kaya tumahimik na lamang ito.

Hindi dito natigil ang kwento dahil sa mismong Executive Director ng Production Outfit dumiretso ang mga tauhan na pinagalitan ni Aktres.

Mabilis ang judgement ng Movie Firm. Kaagad na sinibak si Aktres sa kanilang movie project kahit na importante ang kanyang papel sa ginagawang pelikula.

Walang nagawa si Aktres kundi mag-alsa balutan sabay ang pagbabanta na siya raw ay reresbak sa mga nagsumbong laban sa kanya.

Ang relasyon ni Aktres sa drug dealer na si BJ ay matagal nang open secret sa circle ng mga drug users sa movie industry.

Hindi na rin daw sila magtataka kapag dumating ang panahon na magtutulak na rin si Aktres ng droga dahil halos wala nang kumukuha sa kanyang serbisyo para sa TV at pelikula.

Sayang si Aktres dahil isa sya sa mga mahuhusay na artista sa kanyang panahon at kung tutuusin ay kaya pa niyang makipag-sabayan sa mga sikat na artista sa kasalukuyan.

Nasira lang ang kanyang pangalan dahil sa droga at sa naging masamang epekto nito sa kanyang buong pagkatao.

Hindi pa naman huli ang lahat pero sa ngayon ay tila wala sa bokabularyo ni Aktres ang pag-iwan sa bisyo na nagbibigay sa kanya ng satisfaction sa kasalukuyan.

Ang aktres na aming tinutukoy ay si S.M as in…..Sayang Magaling pa naman. //Sent from my Samsung Galaxy S6 Edge

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.