Makalipas ang 64 na taon, Miss Universe crown, muling napanalunan ng France

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2017 - 12:03 PM

MISS UNIVERSE 2016Tinapos ng 24-anyos na si Iris Mittenaere ang 64 na taon na pag-aasam bansang France na makamit muli ang korona sa Miss Universe.

Taong 1953 pa kasi huling nanalo ang pambato ng France sa nasabing beauty pageant matapos magwagi noon si Christiane Martel isang French actress.

Masayang-masaya naman ang mga dayuhan mula sa France na nanood sa Mall of Asia (MOA) Arena sa pagwawagi ni Mittenaere.

Si Mittenaere ay ipinanganak sa bayan ng Lille sa Northern France at nag-aral ng Dental Surgery.

Mahilig ding siyang magbiyahe at magluto.

Sa backstage, matapos ang koronasyon, nakapanayam ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Venus Raj si Miss France.

Ayon kay Mittenaere, marami siyang gustong gawin para sa charity at nais niyang maunawaan at makilala ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

TAGS: Iris Mittenaere, Miss France, Miss Universe 2016, Iris Mittenaere, Miss France, Miss Universe 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.