LOOK: Mga kandidata na nakapasok sa Top 3 ng Miss Universe 2016

January 30, 2017 - 10:33 AM

TOP 3Nabigo na si Miss Universe Philippines Maxine Medina na maka-abante sa top 3 ng 65th Miss Universe Pageant.

Sa isinagawang question and answer portion, anim na kandidata ang nagtagisan ng galing sa pagsagot sa mga katanungan.

Tinanong si Maxine kung anong pagbabago ang nakita niya sa mundo sa nakalipas na sampung taon.

“What is the most significant change you’ve seen in the world in the last 10 years?”

At sumentro ang sagot niya sa pagiging ‘isa’ ng lahat ng mamamayan sa pagsaksi sa Miss Universe event.

Bagaman mayroong interpreter na nag-translate ng tanong para kay Maxine sa wikang Filipino, sumagot si Maxine sa wikang Ingles.

Nang ianunsyo ang top 3 unang tinawag si Miss Colombia, sunod si Miss France at huli si Miss Haiti.

 

 

TAGS: miss universe, top 3, miss universe, top 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.