4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Taguig at Pasig

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 11:12 AM

gun crime suspect drugsPatay ang apat na katao sa magkakahiwalay na pamamaril sa Taguig at Pasig.

Ayon sa mga saksi, pinasok ng isang grupo ng mga armadong lalaki ang isang bahay sa Barangay South Signal sa Taguig at pinagbabaril ang tatlong indibiduwal.

Naganap ang insidente bandang alas tres ng madaling araw.

Kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Edison Maborang, na kilalang gumagamit ng iligal na droga sa lugar at Rico John.

Ang pangatlong biktima na isang babae ay hindi pa nababatid ang pagkakakilanlan.

Inamin naman ng kapatid ni Maborang na ginagamit nito ang kanyang kwarto bilang drug den.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sa Pasig, patay din ang isang lalaki na kinilalang si Rodolfo Verdeflor matapos pagbabarilin ang apat na gunmen na nakasakay sa usang motosiklo sa Kenneth Road sa Barangay Pinagbuhatan.
|
Pag-amin ng ina ng biktima, dating small-time drug runner si Verdeflor pero nag bagong buhay na ito nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Edison Maborang, pasig, Rodolfo Verdeflor, taguig, Edison Maborang, pasig, Rodolfo Verdeflor, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.