Duterte nanawagan sa MNLF at MILF na huwag kanlungin ang mga terorista

By Rod Lagusad January 27, 2017 - 08:13 PM

duterte drugs1Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na huwag kanlungin ang mga teroristang nasa kanilang mga teritoryo.

Ayon kay Duterte hindi dapat hayaan ang Maute at iba pang teroristang grupo na magpakanlong sa kanilang mga kampo.

Aniya, kapag kanila itong kinanlong ay mapipilitan silang habulin ang mga teroristang grupo na ito sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa ni Duterte na hindi na niya kayang mapigilan ang kanyang tinawag na “ISIS contamination”.

Binigyang-diin ng Pangulo na gusto niya ang pagkakaroon ng kapayapaan.

Matatandaang nitong Huwebes na kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinontak ng Islamic State (ISIS) sa Syria si Abu Sayyaf senior leader Isnilon Hapilon noong December 2016.

 

TAGS: duterte, ISIS, Maute Group, MILF, mnlf, duterte, ISIS, Maute Group, MILF, mnlf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.