2 government officials nagplastikan sa birthday party – Wacky Leaks by Den Macaranas

January 24, 2017 - 11:20 PM

den macaranasAminado ang isang opisyal ng pamahalaan na masama ang kanyang loob sa isang mataas rin na opisyal ng gobyerno.

Bakit nga naman hindi gayung si Mr. Government official na itinuturing pa naman niyang kaibigan ang nangunguna sa panawagan na bumaba na ito sa pwesto.

Hindi raw niya sukat akalain na sa dami ng mga pabor na kanyang ibinigay sa kapwa government official ay ito pa ang mananawagan na iwan na niya ang posisyon sa gobyerno na kanyang pinangangasiwaan.

Bago pa man mailuklok sa pwesto ang kasalukuyang administrasyon ay dati nang magkakilala at magkaibigan ang mga bida sa ating kwento.

Dahil pareho silang malapit sa pangulo kaya nabigyan sila ng magandang posisyon.

Si Mr. Government official 1 bilang pinuno ng isang makapangyarihang ahensya samantalang juicy post naman ang kay Government official number 2 na isang elected offcial.

Sinabi ni Mr. Government official 1 na malamang ay may ibang manok na para sa kanyang posisyon si Government official 2 kaya hinihingi nito ang kanyang ulo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinira siya ni Mr. Government official 2 dahil dati na rin siyang binatikos nito sa media dahil sa tila ay pagiging “kengkoy” na leadership style ni Mr. Government 1.

Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan si Mr. Government official 1 na ginanap sa bakuran ng kanyang pinamumunuang ahensiya.

Dumating doon ang pinakamataas na lider ng bansa at doon kanyang sinabi na mananatili sa pwesto si Government official 1 na ngayon ay nahaharap sa panibagong kontrobersiya.

Marami ng invited sa kanyang birthday ang hindi nakadalo dahil sa kanilang mga previous commitments.

Pero may isang bisita ang nag-gate crash na nagpunta doon kahit na hindi imbitado.

Biglang dumating sa event si Mr. Government official 2 kaya kahit masama ang loob ng may kaarawan ay buong giliw niya itong sinalubong at inasikaso.

Sinabi ng ating Cricket na malamang ay pumagitna na ang pangulo sa iringan ng magkabilang grupo.

Ang gatecrasher sa na opisyal ng pamahalaan ay si Mr. P….as in Pantal.

Ang government official naman na nakipag-plastikan sa kapwa opisyal na dumating sa kanyang kaarawan ay si Mr. R…as in Rock.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.