Dating Cong. Mikey Arroyo sumailalim sa operasyon makaraan ang aksidente sa Pampanga

By Chona Yu January 24, 2017 - 04:37 PM

mikey-arroyoSumailalim sa operasyon si dating Pampanga Congressman Mikey Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Ito ay matapos maaksidente ang sinasakyan niyang pick- up truck sa FVR Dike sa bayan ng Bacolor, Pampanga kung saan namatay naman ang pulis na sakay ng nakabanggan nilang Honda Civic.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng kanyang inang si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kaninang 2:30AM ay sumailalim sa operasyon ang kanyang anak.

Gayunman ay hindi na tinukoy ni Arroyo kung saan inoperahan ang kanyang anak.

Ayon sa dating pangulo, bukas  pa ng madaling araw malalaman kung ano ang naging resulta ng operasyon.

Kinakailangan daw kasi na obserbahan muna ang kanyang anak sa loob ng 24 oras.

TAGS: bacolor, Gloria Arroyo, mikey arroyo, Vehicular accident, bacolor, Gloria Arroyo, mikey arroyo, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.