Top 2 most wanted sa CAMANAVA at isa pang hinihinalang pusher, napatay sa Caloocan

By Jong Manlapaz January 24, 2017 - 04:22 AM

 

dead hitman caloocan
Kuha ni Fiscal Darwin Cañete

Patay ang isang hinihinalang hitman na nakatira sa Lupa St. Brgy. 29, Maypajo Caloocan City, matapos na manlaban sa mga pulis na nagresponde sa lugar.

Lumalabas sa imbestisgasyon na isang tip ang nakuha ng Caloocan police na nasa Maypajo ang suspek, agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar, pero nanlaban umano ang suspek na si Alfie Fernandez.

Si Fernandez ay number 2 most wanted personality sa buong CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot at pagiging gun for hire.

May pending warrant of arrest din na pinalabas si Hon. Jansen R. Rodrigues ng Branch 6 ng Manila RTC laban kay Fernandez para sa kasong murder, at mayroon ring mula sa Caloocan RTC.

Nakakuha ang mga pulis sa crime scene ng isang caliber .45 na ginamit umano ng suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis Caloocan, at tatlong bulto ng shabu.

Samantala, patay rin ang isang hinihinalang tulak ng bawal gamot sa Brgy. 118 Caloocan City, matapos manlaban sa mga pulis dakong gabi ng Lunes.

Sa crime scene nakakuha ang mga pulis ng isang caliber .38 pistol at hindi pa mabatid ng dami ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.