Imeldific costume ni Iza Calzado sa isang birthday party, binatikos ng netizens

By Mariel Cruz January 22, 2017 - 02:30 PM

SHOWBIZ 1Bagaman may pumuri, hindi pa rin nakaiwas sa pambabatikos ang aktres na si Iza Calzado matapos mag-ala Imelda Marcos sa birthday celebration ng TV-Radio host na si Tim Yap.

Bukod sa pag-impersonate ni Isabelle Daza sa kanyang ina na si Gloria Diaz at engagement ni Tim Yap sa kanyang boyfriend, pinag-usapan sa social media ang ‘Imeldific’ costume ni Iza.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Iza ang kanyang costume sa naturang birthday party kung saan suot nito ang kulay blue na terno na paboritong damit ni dating First Lady Imelda Marcos.

Sa caption, nakasaad na tulad ni Imelda Marcos, mahilig din siya sa mga sapatos at magsuot ng terno.

Sa hiwalay na post, sinabi din ng aktres na nais niyang magkaroon ng pelikula kung saan gaganap siya bilang Imelda Marcos.

Marami sa mga netizens ay hindi nagustuhan ang napiling costume ni Iza at ilan pa sa mga ito ang nagsabi na nakakahiya na ginaya ng aktres ang isa sa mga corrupt na Filipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.