2 katao, kabilang ang kapitan ng barangay patay sa pananambang sa Samar

By Ricky Brozas January 20, 2017 - 12:26 PM

Dalawa patay sa ambush sa Brgy.Dinagan,Oquendo Dist.,Calbayog City sa Samar Tinambangan hanggang sa mapatay ang isang kapitan ng barangay pati ang isang kasama nito ng mindi pa nakikilalang mga armadong grupo sa Brgy. Dinagan, Oquendo District, Calbayog City, Samar.

Naganap ang pananambang pasado alas 9:00, Biyernes ng umaga.

Sakay ng kaniyang motorsiklo si Brgy. Dinagan Chairman Roberto Habilles, Jr., at angkas nitong si Novilito Ygbuhay, 41-anyos nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong lalaki.

Patungo sana sila sa City Hall ng Calbayog para sa isang appointment nang biglang sumulpot ang mga suspek mula sa madamong bahagi ng daan saka sila pinaulanan ng bala.

Kaagad namang tumakas sa hindi mabatid na direksiyon ang mga salarin matapos ang insidente.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP Calbayog, ‘beyond recognition’ na o halos hindi na makilala ang mukha ng dalawang biktima dahil sa dami ng tama ng bala sa kanilang ulo at mukha.

Nag-iwan pa ang mga salarin ng papel sa katawan ng dalawa na may nakasulat na “OPLAN TUKLAW: ‘WAG TULARAN KAP ADIK AT TULAK NG DROGA”.

 

 

TAGS: ambush, barangay captain, Calbayog City, Samar, ambush, barangay captain, Calbayog City, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.