WATCH: 5 bahay natupok sa sunog sa isang apartment building sa Malabon

By Cyrille Cupino January 20, 2017 - 10:40 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Tinupok ng apoy ang limang-pintong apartment sa bahagi ng Bautista Street, Brgy. Panghulo, Malabon City.

Ayon sa nangungupahang si Ronald Dubluis, pasado alas 2:00 ng madaling araw nang makarinig sila ng kalabog sa likod ng kanilang bahay.

Kwento ni Dubluis, sumigaw pa siya nang madinig ang kalabog sa pag-aakalang magnanakaw ito.

Nagulat na lamang umano ang anak niya nang maamoy na ang usok at makita ang apoy.

Mayroon umanong bumato ng bote na hinihinala nilang gasera saka sumiklab ang apoy.

Limang bahay ang nasunog at nadamay rin ang isang computer shop, isang bakery, at isang kapilya.

Galit na galit naman ng may-ari ng apartment na si Alberto Rodriguez, dahil mabagal umano ang naging pagresponde ng mga bumbero dahilan para lumaki pa ang apoy.

Ayon kay Fire Supt. Crispo Diaz, tinatayang aabot sa 200 libong piso ang halagang tinupok ng apoy.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out ang sunog alas 3:17 ng madaling araw.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang malaman kung ano ang talagang pinagmulan ng sunog.

 

TAGS: fire hits residential area in Malabon, fire incident, fire hits residential area in Malabon, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.