Mga gobernador, pinulong na rin ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle January 20, 2017 - 04:21 AM

duterte malacanangBinalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gobernador na magte-take over na ang national government at ang pulisya sa mga probinsya kung saan hindi mapigilan ang paglaganap ng krimen at iligal na droga.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga gobernador sa buong bansa sa Malacañang kahapon, tulad ng ginawa niya noong nakaraan kasama ang mga alkalde.

Dito inilabas ng pangulo ang kaniyang apela sa mga gobernador na tumulong sa kampanya laban sa mga lokal na opisyal, tulad ng mga barangay captain na sangkot sa iligal na droga.

Humingi rin ng tulong si Duterte sa mga gobernador na labanan ang katiwalian, iligal na pagsusugal at iba pang mga krimen.

Sa nasabing pagpupulong, inaasahan ng mga gobernador na tutukuyin ng pangulo ang mga nasasankot sa iligal na droga, ngunit sa isa’t kalahating oras na itinagal nito, walang binanggit ang pangulo.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Interior Sec. Ismael Sueno na bigyan ang mga gobernador ng kopya ng 500-pahinang listahan ng pangalan ng mga barangay captain at sundalong opisyal na sangkot umano sa iligal na droga.

Ayon kay Capiz Gov. Antonio del Rosario, ipinakita lang o iwinasiwas lang ni Duterte ang mga papel sa harap nila, pero hindi nila ito nabasa at wala rin siyang nabanggit na gobernador na nasa listahan.

Bukod naman sa problema sa iligal na droga at kriminalidad, tinalakay rin sa kanila ng pangulo ang pagnanais niyang isulong ang pederalismo sa bansa at ang tapusin na ang kahirapan sa Mindanao.

Binanggit rin ng pangulo na hindi kailangang mag-alala ng mga gobernador tungkol sa mga imprastraktura dahil mayroon nang nakalaang pondo para dito kaya hindi na nila kailangang mang-hingi pa

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.