2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Malabon

By Jong Manlapaz January 19, 2017 - 04:37 AM

 

crime-scene-620x413Pinagbabaril sina Jessie Manzano at Ligaya Nuñez habang nagha-hapunan sa kanilang bahay ng mga hindi pa kinikilalang suspek sa Interior Sancianco St., Brgy. Catmon, Malabon City kagabi.

Napatay kaagad si Manzano habang patuloy naman na nilalapatan ng lunas si Nuñez sa Jose Reyes Memorial Medical Center matapos na mabaril.

Sa imbetigasyon, lumalabas na pinasok ng dalawang suspek na may takip ang mga mukha sa loob ng bahay sina Manzano at Nuñez, habang nasa labas naman ang dalawa pa na nagsilbing look-out na may suot ding face mask.

Ang dalawa ay una nang sumuko sa Oplan Tokhang ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 8.

Ilang minuto matapos mapatay si Manzano at masugatan si Nuñez, sunod namang pinasok ang bahay ni William Habalita na pinagbabaril sa parehong lugar.

Si Habalita ay nanonood lang ng telebisyon nang barilin ng mga suspek na nakasuot ng sumbrero at face mask.

Una na ring sumuko sa Oplan Tokhang si Habalita sa Malabon PCP 9.

Sa dalawang insidente ng pamamaril, nakakuha ang mga pulis ng mga basyo ng bala ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.