2 patay sa anti-drug ops sa Caloocan City

By Jong Manlapaz January 17, 2017 - 04:20 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na police operation ng Caloocan City police sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Napatay si Redgie Amat sa Barangay 13, Caloocan City matapos na magsagawa ng follow up operation ang Caloocan police sa isang sumbong sa 911 na talamak ng bentahan ng shabu sa lugar.

Pagdating sa lugar ng mga pulis, agad umano silang pinaputukan ng suspek kaya napilitan ang mga pulis na barilin si amat na kinasawi nito.

Ayon kay Caloocan prosecutor Darwin Canete nakuha sa crime scene ang isang small plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at isang caliber 38 revolver.

Pinaghahanap naman ngayon ang live-in partner ni Amat na si Rhonda.

Napatay naman sa Barangay 18 si Precious Galang alyas Ferry sa ikinasang buy bust operation ng Caloocan police.

Ayon kay Fical Canete, nakuha pang tumakbo ni Galang at pumasok sa loob ng bahay pero nasukol ito ng mga pulis at duon na napatay.

Nakuha sa crime scene ang labing-isang maliit na plastic na hinihinalang naglalaman ng shabu at isang .38 caliber pistol.

Arestado naman si Bernardo Villanueva na aminadong bumibili ng shabu kay Galang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.