Listahan ng mga kanseladong flight ngayong araw, Jan. 16

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2017 - 10:26 AM

MIAA Advisory
MIAA Advisory

Nagkansela na ng ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa nararanasang sama ng panahon sa ilang lalawigan sa Visayas bunsod ng Low Pressure Area.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado na ang flight ng PAL Express na 2P 2079 Manila to Catarman at gayundin ang flight 2P 2080 Catarman to Manila.

Payo ng MIAA, antabayan ang kanilang mga abiso para sa iba pang mga biyaheng maaring makansela ngayong araw na ito dahil sa sama ng panahon.

Sa weather advisory ng PAGASA, ang Bicol at Eastern Samar ay makararanas ngayong araw ng hanggang sa malakas na buhos ng ulan dahil sa binabantayang LPA.

 

TAGS: cancelled flights, flight advisory, MIAA, NAIA, pal express, cancelled flights, flight advisory, MIAA, NAIA, pal express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.