Lalaki, napatay ng kaibigan dahil lamang sa DOTA

By Ricky Brozas January 15, 2017 - 03:43 PM

Police banner
Police banner

Nang dahil lamang sa larong DOTA o Defense of the Ancients ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang bente singko anyos na lalaki ng kanya mismong matalik na kaibigan.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Dos, Laoag City, Ilocos Norte matapos umanong magkantiyawan at magkainitan ang biktimang si Ferdinand Madamba Jr. at suspek na si Mark “Puti” Pascual.

Bago ang pamamaslang ay naghamunan muna ang dalawa ng suntukan sa labas ng computer shop sa nabanggit na Bgry.-lingid kasi sa kaalman ng biktima ay may bitbit palang patalim ang suspek na si Pascual.

Nagtamo ng saksak sa leeg at tiyan si Madamba na kanyang ikinamatay.

Naglunsad naman ng manhunt ang mga otoridad para sa ikadarakip ng suspek.

Nabatid na sampung taon nang magkaibigan ang dalawa.

TAGS: dota, dota

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.