Mayweather, interesadong makalaban si McGregor sa boxing ring

By Mariel Cruz January 12, 2017 - 10:28 AM

Mayweather vs McGregor
INQUIRER FILE PHOTO

Interesado ang nagretirong welterweight champion na si Floyd Mayweather Jr. sa isang laban kontra kay Conor McGregor.

Sa katunayan, inalok na niya ang mixed martial arts star ng 15 million dollars na laban.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayweather na tanging ang laban kontra kay McGregor ang mag-uudyok sa kanya para bumalik sa boxing ring.

Ito ang naging tugon ni Mayweather sa mga tanong sa kanya ikokonsidera ba nito ang rematch kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos ang naganap na “Fight of the Century” nila, dalawang taon na ang nakalilipas.

Kasabay nito, ibinunyag ng undefeated boxer na may naganap nang pag-uusap sa pagitan ng kanyang kampo ng mga kinatawan ni McGregor.

Handa si Mayweather na bigyan si McGregor ng 15 million dollars at pag-uusapan nalang nila ang hatian sa porsyento sa pay per view.

Matatandaang noong Nobyembre, hinamon ni McGregor si Mayweather sa isang laban sa ilalim ng mixed martial arts rules pero sinabing kakalabanin lang niya ito sa boxing ring sa presyong 100 million dollar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.