2 patay, 5 nadakip sa magkakahiwalay na anti-drug ops sa QC

By Jong Manlapaz January 12, 2017 - 04:37 AM

 

gun crime suspect drugsDalawa ang napatay habang lima ang arestado sa magkahiwalay na police operation na kinasa ng Quezon City Police District station 4.

Alas 7:15 kagabi nang unang nagkasa ng One Time Big Time Operation ang QCPD station 4 sa Ledia St., Brgy Sta. Monica sa pangunguna ni Sr. Inspector Randy Llanderal

Habang nagsasagawa ng OTBT operation, isang sumbong ang natanggap ng mga otoridad na may nagaganap na pot session sa isang bahay malapit sa lugar kung saan sila nagsasagawa ng operation.

Nang puntahan ng mga pulis ang nasabing bahay naaktuhan nila ang apat na kalalakihan na nagsasagawa ng pot session.

Isa sa mga suspek ang bumunot umano ng baril at akmang papuputukan ang mga pulis pero naunahan siya ng mga operatiba na malubhang kinasugat ng suspek na kinilalang si Melton Nacion alyas ‘Saddam’ na dineklarang dead on arrival sa Novaliches District Hospital.

Arestado naman ang tatlong suspek na kinilalang sina Ernesto Santiago Jr., Gerry Sernicula at Rommel Nacion na nahaharap sa violation of RA 9165 sec 13,14.
Nakakuha naman ang mga pulis sa crime scene ng improvised hand gun with .38 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng suspctd shabu at drug paraphernalia.

Samantala, isa naman ang napatay sa buy-bust na kinasa ng SAID ng QCPD station 4 sa #625 Biglang-Awa compound, Bgy. Bagbag, Novaliches.

Nakipagbarilan sa mga operatiba si Joseph Peralejo habang naaresto naman ang iba pa na kinilalang sina Norman Viray alyas ‘Unga’ at Janno Claraval na nasa listahan ng Top 14 ng target drug personalities ng QCPD station 4.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.