Ed Sheeran,nakailang beses nakipag-seflie sa mga Pilipino sa isang cruise ship

By Rod Lagusad January 08, 2017 - 04:26 AM

sheeranIbinahagi ng British singer-songwriter na si Ed Sheeran na nakailang beses siyang nakipag-selfie sa mga Pilipino sa isang cruise ship kung saan niya sinulat ang kanyang bagong album.

Kinumpirma ni Sheeran na ni-record niya ang ilang bagong kanta para sa kanyang album sa nasabing cruise ship.

Ayon kay Sheeran, ang Pilipinas ang kanyang pinakamalaking market sa buong mundo at ang bawat staff member sa naturang barko ay mga Pilipino kaya walang tigil ang naging pagpapa-selfie sa kanya ng mga ito.

Noon lang January 6 ay sinopresa ni Sheeran ang kanyang fans sa pagri-release ng dalawang bagong niyang kanta na “Shape of You” at “Castle On The Hill” para sa kanyang ikatlong album.

Bago nito, nanggaling mula sa isang taong hiatus si Sheeran mula sa music scene at social media.

Nanalo na si Sheeran ng Song of the Year sa Grammy Award noong 2016 mula sa kanyang ballad na “Thinking Out Loud.”

TAGS: Album, cruise ship, Ed Sheeran, Grammy Award, Pilipino, selfie, Thinking Out Loud, Album, cruise ship, Ed Sheeran, Grammy Award, Pilipino, selfie, Thinking Out Loud

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.