Mocha Uson, tuloy ang gabi-gabing gig kasama ang “Mocha Girls”, pero wala nang lap at sexy dance

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2017 - 11:03 AM

Mocha-Uson-Matapos maitalaga bilang board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) si Mocha Uson, wala nang aasahang sexy dance sa performance at show ng kaniyang grupong “Mocha Girls”.

Ayon kay Uson, tuloy naman ang gabi-gabing gig at out of town shows ng grupo.

Pero ngayong board member na siya ng MTRCB, wala nang sexy dance at lap dance na gagawin ang Mocha Girls sa kanilang mga show.

Asahan aniya ng publiko ang pagbabago sa kanilang performance.

Kilala ang grupo ni Uson sa sexy na pagsasayaw tuwing sila ay mayroong shows at gigs.


Gayunman, mula nang maging aktibo sa kaniyang blog, madalas ay nagsisilbing host na lamang si Mocha Uson sa kanilang mga show at ang ibang miyembro ng Mocha Girls ang nagpe-perform ng sexy dances.

Sinabi ni Uson na siya ay nagtapos ng BS Medical Technology sa University of Sto. Tomas at dalawang taon na medicine proper sa nasabi ring unibersidad.

Ani Uson, ang pagkakatalaga sa kaniya sa MTRCB ay patunay na sa ilalim ng administrasyong ito ay nabibigyang pagkakataon na magsilbi sa pamahalaan ang mga ordinaryong indibidwal.

Sa susunod na linggo sinabi ni Uson na bibigyan siya ng orientation ni Chairman Toto Villareal sa magiging trabaho niya bilang board member.

TAGS: Board Member, Mocha Girls, mocha uson, MTRCB, Board Member, Mocha Girls, mocha uson, MTRCB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.