2 patay na lalaki, iniwan sa isang kalsada sa Taguig City

By Jong Manlapaz January 03, 2017 - 06:49 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang katao matapos na pagbabarilin sa Cayetano Ave., Brgy. Palingon, Taguig City.

Ayon sa isang barangay tanod, ala-1:00 ng madaling araw nang ibaba ng puting sasakyan ang dalawa sa Cayetano Ave.

Sa pinagbabaan ng dalawang biktima, naghihintay naman ang dalawang motorsiklo lulan ng tatlong katao, at batay sa mga saksi ay ang mga nakamotor ang siyang bumaril sa dalawa.

Sa ngayon inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawa, pero kinumpirma ng barangay na hindi residente doon ang mga nasawi.

TAGS: 2 killed, Taguig City, 2 killed, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.