P0.55-P0.75 na dagdag sa presyo ng langis, ipatutupad ngayong araw

By Kabie Aenlle January 03, 2017 - 04:24 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILUnang linggo pa lang ng 2017, ngunit may hatid agad na masamang balita ang mga kumpanya ng langis sa mga motorista dahil sa kanilang pagtataas muli ng presyo ng kanilang mga produkto.

Ngayong araw ng Martes, January 3, magpapatupad ng dagdag na P0.70 sa halaga ng kada litro ng gasolina, at P0.60 sa kada litro ng diesel ang mga kumpanyang Petron, Total, UniOil, PTT, SeaOil, Phoenix, at Shell epektibo simula alas-6:00 ng umaga.

Magtataas naman ng P0.55 ang halaga ng kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Petron, SeaOil at Shell.

Parehong halaga naman ang itinaas ng Flying V sa kanilang gasolina, diesel at kerosene, ngunit nauna na silang magpatupad nito mula pa kaninang hatinggabi.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.