Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 10:09 AM

NAIA Terminal 3Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo na DG 6163 at 6164 na Manila-Virac-Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa bahagi ng Catanduanes.

Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Bicol Region sa makararanas ng pag-ulan ngayong araw.

Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng bayad sa ticket.

 

TAGS: cancelled flights, cebgo, cebu pacific, flights, NAIA, cancelled flights, cebgo, cebu pacific, flights, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.