Daloy ng traffic sa NLEX at SLEX, maluwag pa

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 09:09 AM

NLEX Photo
NLEX Photo

Kapwa maluwag ang daloy ng traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) sa kabila ng ngayong araw ang huling holiday o ang pagtatapos ng long weekend.

Sa official twitter account ng Toll Regulatory Board, sa kasagsagan ng rush hour, bago mag alas 8:00 ng umaga, maluwag sa mga sasakyan ang South Luzon Expressway sa bahagi ng Ayala, maging sa Calamba toll plaza.

Maging ang entry at exit points sa STAR toll plaza sa Sto. Tomas Batangas ay napakaluwag din ng daloy ng traffic pasado alas 8:00 ng umaga.

Samantala, alas 8:34 ng umaga, mabilis pa rin ang biyahe ng magkabilang direksyon sa lahat ng interchanges at toll plaza sa North Luzon Expressway.

Inaasahan naman ng pamunuan ng NLEX at SLEX na maaring mamayang hapon, magsisimula nang magsibalikan sa Metro Manila ang mga nagbakasyon sa mga lalawigan at magdudulot na ito ng pag-build up sa daloy ng traffic.

TAGS: NLEX, SLex, traffic situation, NLEX, SLex, traffic situation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.