Babala ni Duterte sa mga taxi driver na rapist: “Puputulan ko kayo ng ari”

By Chona Yu December 30, 2016 - 05:03 PM

duterte amlacPasasabugin o hindi kaya ay puputulan ng ari ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taxi driver na nanggagahasa ng kanilang mga pasahero.

Paliwanag pa ng pangulo, lalabas siya ng Malakanyang na hindi kasama ang mga tauhan ng Presidential Security Group at magpapanggap na isang ordinaryong pasahero.

Amionado ang pangulo na tinatakot niya ang mga driver para hindi na gumawa ng kalokohan.

Sinabi rin ni Duterte na ipa-aaresto niya sa Philippine National Police ang mga driver ng taxi, jeep, bus at iba pang pampublikong sasakyan na naniningil ng sobra sa mga pasahero o hindi nagbibigay ng tamang sukli sa pasahe.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil sa malinaw na kaso ng estafa o swindling.

Kung nais aniya ng mga driver ng dagdag kita, dapat magpetisyon sila sa LTFRB ng dagdag-pasahe.

Inoobliga na rin ng pangulo ang mga taxi driver na maglagay ng ID sa loob ng sasakyan kung saan nakasulat ang kanilang pangalan at plate number at mayroong larawan para madaling makita ng mga pasahero.

Binalaan din ng pangulo ang mga holdaper na nagpapanggap na taxi drayber kung saan karaniwang pinapatay ang kanilang mga pasahero.

Ayon sa pangulo, gaya ng kanilang mga nabibiktimang pasahero, hindi malayong ganun din ang kahinanatnant ng mga taxi driver.

Aminado ang pangulo na isa ang sektor ng mga driver sa sumuporta sa kanyang kandidatura sa nakalipas na eleksyon./ Chona Yu

 

TAGS: Duterte warns taxi drivers, Duterte warns taxi drivers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.