Ina ni Carrie Fisher na si Debbie Reynolds, pumanaw na rin

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2016 - 10:11 AM

Debbie Reynolds and Carrie FisherIsang araw matapos pumanaw si Carrie Fisher ng Star Wars, pumanaw na rin kaniyang ina na si Debbie Reynolds.

Sa ulat ng TMZ, nasawi ang 84-anyos na si Reynolds matapos itong isugod sa ospital nang siya ay atakihin sa puso.

Nag-aasikaso umano noon si Reynolds at anak niyang si Todd para sa funeral plans kay Carrie nang maganap ang insidente.

Si Reynolds ay nakilala sa 1952 classic na “Singin’ in the Rain”.

Taong 1959 nang makipaghiwalay ito sa kaniyang mister na si Eddie Fisher at saka dalawang beses na muling nagpakasal taong 1960 at 1984.

Gumanap din siya sa “Tammy and the Bachelor” at “The Unsinkable Molly Brown” kung saan nagkaroon siya ng nominasyon sa Oscar.

 

 

TAGS: carrie fisher, Debbie Reynolds, carrie fisher, Debbie Reynolds

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.