Princess Leia ng ‘Star Wars’ na si Carrie Fisher, pumanaw na

By Jay Dones December 28, 2016 - 04:22 AM

 

Princess-LeiaSumakabilang-buhay na ang aktres na si Carrie Fisher sa edad na 60.

Si Fisher ay nakilala sa kanyang pagganap bilang ‘Princess Leia’ ng sikat na ‘Star Wars’ franchise noong dekada setenta hanggang otsenta.

Matatandaang inatake sa puso ang aktres habang ito ay lulan ng eroplano mula London tungong Los Angeles noong December 23.

Matapos lumapag sa paliparan, agad itong dinala sa pagamutan ngunit kalaunan ay pumanaw na rin.

Nagsimulang sumikat si Fisher bilang ‘Princess Leia Organa’ sa pelikulang ‘Star Wars’ na ipinalabas noong 1977 katambal si Harrison Ford bilang ‘Han Solo’ na sinundan ng dalawa pang sequel.

Nitong nakaraang taon, muling gumanap bilang ‘Princess Leia’ si Fisher sa pelikulang ‘Star Wars-The Force Awakens’.

Nagpahatid naman ng pasasalamat ang publicist ni Fisher sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa aktres.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.