Apo ni Queen Elizabeth nakunan

By Jay Dones December 26, 2016 - 04:13 AM

 

Inquirer file photo

Nakunan umano ang apo ni Queen Elizabeth at equestrian na si Zara Philips.

Ito na sana ang pangalawang anak nina Philips at asawang
si Mike Tindall.

Anak ni Royal Princess Anne si Zara.

Nais naman ng Buckingham Palace na bigyan ng privacy ang mag-asawa dahil sa pinagdadaan nito.

Samantala, ito na sana ang ika-anim na apo sa tuhod ni Queen Elizabeth.

Samantala, hindi naman nakadalo sa misa ang reyna ng Inglatera kahapon.

Paliwanag ng Buckingham Palace na nagpapagaling pa sa matinding ‘sipon’ ang 90-anyos na reyna.

Tanging sina Prince Philip, anak na si Prince Charles, at apo na si Prince Harry ang dumalo sa Christmas service.

Ngayon lamang lumiban sa misa tuwing pasko si Queen Elizabeth simula noong ytaong 1988.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.