‘Nina’ nananalasa na sa Camarines Sur; Southern Quezon, signal number 4 na rin

By Jay Dones December 25, 2016 - 11:46 PM

 

nina dec25Nasa bahagi na ng Camarines Sur ang bagyong ‘Nina’

Ayon sa 11:00 PM update ng PAGASA, tumama na muli sa lupa ang bagyo sa bahagi ng Sagñay-Buhi sa lalawigan ng Camarines Sur.

Taglay ng bagyo ang malakas na hangin na umaabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 290 kph.

Bukod sa malakas na hangin, nagdudulot rin ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa naturang lugar at maging sa kalapit na mga lalawigan.

Bahagyang bumilis ang bagyo na tinatahak ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Dahil dito, itinaas na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning

Signal number 4:
Camarines Norte,
Camarines Sur at;
Southern Quezon

Signal number 3:
Catanduanes,
Laguna,
Batangas,
Marinduque,
Albay, at ang iba pang bahagi ng Quezon

Signal number 2:
Metro Manila,
Bulacan,
Rizal,
Cavite,
Oriental Mindoro,
Polillo Islands,
Sorsogon, Lubang Island,
Burias Island

Signal number 1:
Pangasinan,
Nueva Ecija,
Aurora,
Quirino,
Nueva Vizcaya,
Zambales,
Pampanga,
Tarlac,
Bataan,
Occidental Mindoro,
Romblon, Masbate kasama na ang Ticao Island,
Northern Samar

Bukod sa Catanduanes at Camarines Sur, tinatumbok rin ng bagyo ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Southern Quezon, Laguna, Batangas at Cavite.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.