Star Wars actress na si Carrie Fisher kritikal makaraang atakehin sa puso

By Den Macaranas December 24, 2016 - 11:02 AM

Carrie Fisher
Inquirer file photo

Nasa kritikal na kundisyon ngayon sa isang ospital sa Los Angeles sa U.S ang Star Wars actress na si Carrei Fisher.

Ang 60-anyos na si Fisher ay dumanas ng cardiac arrest habang sakay ng United Airlines na nagmula sa London at papunta sa L.A.

Ayon sa report, labing-limang minute na lamang ang layo ng kanilang eroplano sa L.A ng bigla siyang mawalan ng malay.

Kaagad namang nagsagawa ng CPR sa kanya ang isang kapwa pasahero habang mabilis na nakipag-ugnayan sa mga paramedics ang piloto ng eroplano.

Sinabi ng mga pasahero ng flight 935 na walang malay si Fisher nang ibaba mula sa eroplano.

Si Fisher ay nasa kalagitnaan ng kanyang promo tour para sa kanyang aklat na “The Princess Diarist” nang maganap ang cardiac arrest.

Bukod sa Star Wars, nakilala rin si Fisher sa kanyang mga markadong papel sa mga pelikulang “The Blues Brothers” at “When Harry met Sally”.

Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang ginawang pag-amin ni Fisher na nagkaroon siya ng relasyon sa kanyang kapwa Star Wars actor na si Harrison Ford noong 19-anyos pa lamang ang aktres.

TAGS: carrie fisher, Star wars, united airlines, carrie fisher, Star wars, united airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.