Sa loob lamang ng isang oras, tatlo katao pinaslang sa Mandaluyong

By Jong Manlapaz December 22, 2016 - 04:34 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tatlong residente ng Brgy. Addition Hills ang nasawi matapos na pagbabarilin sa magkakahiwalay na lugar sa loob ng halos isang oras.

Unang pinasok ng armadong grupo ang bahay ni Jepoy Pinasbo na kilalang pusher sa barangay at pinagbabaril.

Bagamat nadala pa sa pagamutan, idineklara rin itong dead on arrival sanhi ng mga tama ng bala.

Nasaksihan naman ng isa pang biktimang si Bubot Sarvida ang pangyayari, habang pauwi na sana galing ng pagsamba sa kapilya ng Saksi ni Jehova na malapit lang sa lugar.

Dahil dito, sinundan umano ito ng suspek hanggang sa bahay at doon na binaril hanggang sa mapatay.

Ayon sa saksi, apat na motorsiklo ang pinagsakyan ng walong katao sa pagtakas.

Sa hindi kalayuan, napatay naman sa tabi ng convenience store sa A. Bonifacio, Brgy. Hagdan Bato Libis, Mandaluyong si Michael Desvarro, 39, na residente ng block 35 Brgy. Addition hills at isang cigarette vendor.dead mandaluyong

Hinala naman ng asawa ng biktima na si Me-Anne Desvarro, may kinalaman ang amain ng kanyang asawa na dating pulis kung bakit pinagbibintingan na pusher si Michael kaya ito pinatay.

Mariin naman itinanggi ni Me-Anne na gumagamit ng bawal na gamot o nagbebenta ang kanyang asawa.

Mabait umanong asawa ang biktima na matiyagang nagbebenta ng sigarilyo sa tabi ng convenience store sa A. Bonifacio tuwing gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.