$430 Million ng MCC kayang ibigay ng China at Russia ayon kay Duterte

By Den Macaranas December 17, 2016 - 11:09 AM

duterte-putin-jinping-ap-0928
Inquirer file photo

Hindi nanghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa sa mawalalang $$30 Million na grant mula sa Millenium Challenge Corporation na isang U.S aid-giving body.

Ipinaliwanag ng pangulo na ang nasabing halaga ay kayang ibigay sa atin ng China at Russia.

Ang China ay nagsabi na umano na handang magbigay ng tulong sa Pilipinas ng halagang aabot sa $50 Billion.

Ikinatwiran ng pangulo na mas malapit siya sa mga lider ng naturang mga bansa at umaasa siyang ang kanilang mga naunang pag-uusap ay maghahatid ng mas magandang hinaharap para sa ating bansa.

Ididagdag pa ni Duterte na hindi naman magugutom ang mga Pinoy sakaling totohanin nga ng MCC ang kanilang bansa na hindi na sila magbigigay ng tulong pinanansiyal sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng U.S na nababahala sila sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Sinabi rin ng MCC na hindi nila nagustuhan ang sinabi ng pangulo na marami na siyang pinatay na mga kriminal lalo na noong siya pa ang mayor sa Davao City.

Sinabi ng ilang kritiko ng pamahalaan na malaking tulong sa bansa ang $430 Million na nagmumula sa MCC.

TAGS: China, duterte, millenium challenge corporation, Russia, China, duterte, millenium challenge corporation, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.