Human rights violations sa Pilipinas, ilalantad ni De Lima sa Germany

By Jan Escosio December 16, 2016 - 04:33 AM

 

leila de Lima3Gagamiting pagkakataon ni Sen. Leila De Lima ang pagdalo nito sa isang international conference sa Berlin, Germany para ibahagi ang nangyayaring human rights violations sa Pilipinas.

Sa pagsasalita ni De Lima sa Annual Conference of Cultural Diplomacy, tatalakayin nito ang mga sinasabing extra judicial killings sa bansa kasabay ng pinaigting na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni De Lima na hihingi din siya ng suporta sa international community para matigil na ang pag iral ng sinasabing culture of impunity sa bansa ngayon.

Layon ng anim na araw na pulong na makarating sa kamalayan sa buong mundo ukol sa pagrespeto sa mga karapatang pantao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.