De Lima tinawag na “tanga at sinungaling” ng House Speaker

By Isa Avendaño-Umali December 15, 2016 - 04:16 PM

Alvarez2-0615
Inquirer file photo

Walang kaabog-abog na tinawag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na “sinungaling na, tanga pa” si Senadora Leila de Lima.

Ito ay dahil sa pahayag ni De Lima na impeachable offense ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumatay siya ng tao noong Mayor pa siya ng Davao City.

Ayon kay Alvarez, tanga si De Lima dahil hindi naman maaaring ma-impeach ang isang impeachable official dahil lamang sa salita nito.

Giit ni Alvarez, kailangan na maging matibay ang ebidensya para patunayan ang pananagutan sa pagpaslang.

Ipinagtanggol ding muli ng House Speaker si Pangulong Duterte sa naging pahayag nito.

Paano na lamang daw kung talagang nagbibiro lamang ang punong ehekutibo nang mabanggit niyang nakapatay siya.

Matatandaang sa statement ni De Lima, sinabi nito na pasok bilang grounds ng impeachment na “betrayal of public trust” at high crimes ang pag-amin ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni De Lima, unfit si Pangulong Digong na manungkulan bilang pinakamataas na lider ng bansa.

TAGS: Alvarez, de lima, duterte, speaker, Alvarez, de lima, duterte, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.