Biyahe ng MRT, maagang nakaranas ng aberya

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2016 - 06:20 AM

FILE PHOTO/ERWIN AGUILON
FILE PHOTO/ERWIN AGUILON

Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong umaga.

Sa abiso sa twitter account ng MRT3, pinababa ang mga pasahero sa bahagi ng Santolan station southbound kaninang alas 5:22 ng umaga.

Ayon sa MRT, ito ay dahil sa technical problem na naranasan ng isa nilang tren.

Agad namang naisakay sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero, at alas 5:25 ng umaga ay balik na sa normal ang operasyon.

 

TAGS: dotr, MRT, Santolan station, transportation, dotr, MRT, Santolan station, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.