Negosyante, patay sa pakikipag-barilan sa Nueva Ecija

By Kabie Aenlle December 10, 2016 - 05:09 AM

nueva ecijaNapatay ang isang negosayante at kaniyang kasama sa pakikipagbakbakan sa mga pulis sa Brgy. Bantug Norte sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija kahapon.

Biglang bumunot ng baril sina Ferdinand Reyes na isang nagbebenta ng manok, at kasama niyang si Danilo Llanes nang magsagawa ang mga pulis ng buy-bust operation laban sa kanila kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Ponciano Zafra, pinaputukan nina Reyes at Llanes ang mga pulis, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na siyang ikinasawi ng dalawa.

Narekober ng mga imbestigador ang walong plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang cal. 40 at isang cal. 45 na baril.

Inimpound na rin ng mga pulis ang mga sasakyang ginagmit ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.