Sunog sumiklab sa isang barangay sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2016 - 01:05 PM SHARE(S):
Cebu Daily News Photo | Junjie Mendoza
Cebu Daily News Photo | Junjie Mendoza

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Mambaling, Cebu City.

Naganap ang sunog sa Garcian Street sa Sitio Bayabas, kung saan isang bahay na gawa sa light materials ang mabilis na nilamon ng apoy.

Wala nang nagawa ang mga naninirahan sa nasabing bahay at hind na nailigtas pa ang mahahalaga nilang gamit.

Alas 12:06 ng tanghali nang ideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

TAGS: Cebu City, fire hits Barangay Mambaling Cebu City, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.