Ikatlong suspek sa US embassy bomb plot, naaresto

By Jay Dones December 05, 2016 - 03:37 AM

 

Inquirer file photo

Isa pang suspek na sangkot umano sa pagtatanim ng bomba malapit sa embahada ng Amerika sa Maynila kamakailan ang hawak na ng mga otoridad.

Ayon sa source ng Inquirer, kinilala ang ikatlong suspek na si Mohammad Jumao-As, na naaresto noong Sabado.

Ang suspek ay kakuntsaba umano nina Rashid Kilala at Jiaher Guinal na nauna nang nadakip noong November 30.

Una rito, ipinrisinta ng pamunuan ng PNP ang dalawang naarestong suspek na miyembro umano ng grupong Ansar Al-Khalifa Philippines, isang jihadist group na kaalyado umano ng Maute terror group na nakabase sa Lanao Del Sur.

Sa kabuuan, ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, lima ang kanilang suspek sa naturang tangkang pambobomba sa US embassy.

Una aniyang itinanim ng grupo ang improvised explosive device (IED) sa Rizal Park sa Luneta noong November 28.

Ngunit nang hindi ito sumabog, dinampot ito ng mga suspek muli at inilagay sa isang basurahan malapit sa US embassy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.