Larawan ni Liza Soberano, pinagkaguluhan sa social media

By Jay Dones December 05, 2016 - 03:34 AM

 

Mula sa IG/lizasoberano

Viral muli ang aktres na si Liza Soberano matapos kumalat sa internet ang isang larawan nito.

Ito ay matapos ianunsyo ng 18-anyos na si Soberano na isa na siyang brand ambassador ng isang Swiss brand ng relo sa pamamagitan ng social media.

Kasama ng anunsyo ay ang larawan ng aktres na nakasuot ng itim na leather jacket ngunit nakalabas ang kaliwang balikat.

Wala pang isang araw, umabot na sa mahigit 220,000 ‘likes’ at mahigit sa 2,000 komento ang naturang larawan.

Nag-trending rin sa Twitter ang naturang larawan ng sikat na aktres.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.