Tow truck, pinagbabaril sa Quezon City

By Jay Dones December 05, 2016 - 03:00 AM

 

gun1Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang lalake ang mga gulong ng isang tow truck na accredited ng MMDA sa kahabaan ng southbound lane ng North Avenue, Quezon City, Linggo.

Ito’y matapos umanong tangkain ng naturang tow truck na hilahin angh isang dump truck na hinihinalang may kaugnayan sa lalakeng namaril sa sasakyan ng MMDA.

Sa salaysay ng driver ng towing truck na si Rommel Salvador, isang dump truck ang kanilang hinila mula sa kahabaan ng Congressional Ave upang i-impound sa Pasig City.

Gayunman, pagsapit sa North Avenue, hinarang na sila ng dalawang sasakyan at pinigilang hilahin ang dump truck.

Bumaba ang driver ng isa sa sasakyan at sinabing dalhin na lamang ang dumptruck sa garahe ng nagngangalang Atty. San Gabriel na may -ari umano ng sasakyan.

Gayunman, nang igiit ng mga taga-towing service na kailangang idaan muna sa MMDA operations ang hiling ng mga ito, dito na nagbukas ng bintana ang isa sa mga sasakyan at pinaputukan ang gulong ng tow truck bago tuluyang tumakas.

Maswerteng walang nasaktan sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.