Isa patay sa sunog sa Parañaque

By Jay Dones December 05, 2016 - 03:37 AM

 

fireNasawi ang isang 54-anyos na lalake sa sunog na tumupok sa kanilang lugar sa Bgy. Tambo, Parañaque City, Linggo ng tanghali.

Nakilala ang nasawing biktima na hindi na nagawang mailabas pa ng kanyang tahanan na si Ruben Torres, na bedridden na sanhi ng stroke.

Ayon sa kapatid ng biktima, nagulat na lamang sila sa bilis ng paglagablab ng apoy.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Karen Cabotaje, na mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan na gawa sa mga light materials.

Dahil sa lakas ng apoy, agad na itinaas sa Task Force Alpha ang insidente.

Makalipas ang apat na oras, ganap na naapula ang sunog na tumupok sa tinatayang 29 na kabahayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.