3 teenager patay nang tamaan ng kidlat sa Maynila

August 07, 2015 - 11:48 AM

Ang batang nakaligtas sa tama ng kidlat sa Maynila via Ruel perez
Ang batang nakaligtas sa tama ng kidlat sa Maynila via Ruel Perez

Tatlong binatilyo ang namatay habang naliligo kasama ang mga kabarkada sa bahagi ng Aplaya sa Baseco Compound Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Police Community Precinct sa Baseco, dead-on-the-spot si MJ Toto Arigadas, 12 taong gulang, habang nasawi naman sa ospital sina Nelson Calalas, 13 taong gulang at Rodrigo Janjan Rial, 17 taong gulang.

Ayon sa kwento ng dose anyos na si Wilson Calalas, kapatid ni Nelson, magkakasama silang naliligo sa Manila Bay sa kasagsagan ng ulan kahapon.

Ang kaniyang kuya na si Nelson at sina Arigadas at Rial ay magkakahawak ng kamay habang sinasalubong ang alon nang biglang kumidlat.

Sinabi ni Wilson na pare-pareho silang nawalan ng malay matapos ang malakas na kidlat, pero siya ay agad ding nagising at nakita ang tatlo na hindi na kumikilos. “Kumidlat po ng malakas, tapos nahimatay po ako, pero nagising din ako agad. ‘Yung tatlo po nakasama ko nahimatay sila, nawalan ng malay, at hindi na nagising,” ayon kay Wilson./ Ruel Perez

TAGS: lightning strike in manila, lightning strike in manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.