Komedyanteng si Blakdyak, natagpuan patay sa Sampaloc, Maynila

By Mariel Cruz November 21, 2016 - 08:48 PM

Blakdyak
INQUIRER FILE PHOTO

Natagpuang wala nang buhay ang komedyanteng si Blakdyak sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila kaninang alas siyete ng gabi.

Si Blakdyak na Joseph Formoran Amoto sa tunay na buhay ang kumanta ng 90’s novelty songs na “Modelong Charing”, “Noon at Ngayon”, “Asin at Paminta” at “Bikining Itim”.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na iba pang detalye ang pulisya ukol sa pagkamatay ng komedyante.

Matatandaan na noong 2014 ay inaresto si Blakdyak dahil sa kasong malicious mischief, alarm and scandal, at illegal possession of drug paraphernalia sa kanyang apartment sa Cubao.

Pero sa kabila nito, nagawa pang bumangon ni Blakdyak at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.