Mga protesta kaugnay ng Marcos Burial, limitado lang sa mga freedom parks

By Rod Lagusad November 20, 2016 - 04:44 AM

Marcos Rally1Papayagan ng mga pulis ang mga protesta kaugnay ng paglilibing kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga saanmang freedom parks sa Metro Manila maliban sa makasaysyang EDSA Shrine sa Quezon City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Oscar Albayalde, nagbigay na siya ng direktiba limang police districts na magpatupad ng maximum tolerance sa mga protestang isasagawa.

Dagdag ni Albayalde, sa ilalim ng Batas Pambansa 880 o ang Public Assembly Act, kung saan kailangan na magtalaga ang mga mayor ng mga public spaces kung saan maaring makapagprotesta ng malaya ang mga tao.

Giit pa ni Albayalde, kung walang itatalaga ang mga mayor ay ikinukunsiderang freedom parks ang buong bahagi ng mga lungsod.

Sinabi pa ni Albayalde na ang EDSA Shrine ay pagmamay-ari ng Simbahang Katoliko na kung saan ipinagbabawal ang lahat ng uri ng protesta sa lugar.

Kaugnay nito ang EDSA Monument sa Quezon City kung saan nagtipun-tipon ang mga anti-Marcos kasunod ng pagkakalibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay hindi isang freedom park ayon kay Albayalde.

 

 

 

TAGS: director Chief Supt. Oscar Albayalde, EDSA Monument, EDSA Shrine, Ferdinand Marcos, National Capital Region Police Office, Public Assembly Act, quezon city, director Chief Supt. Oscar Albayalde, EDSA Monument, EDSA Shrine, Ferdinand Marcos, National Capital Region Police Office, Public Assembly Act, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.