Dating Pangulong Marcos ililibing na ngayon sa Libingan ng mga Bayani

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2016 - 11:10 AM

Ililibing na ngayong tanghalFerdinand-Marcos-0922i sa Libingan ng mga Bayani si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Oscar Albayalde, magaganap ang paglilibing alas 12:00 ngayong tanghali.

Ginawa ni Albayalde ang anunsyo ilang minuto bago mag alas onse ngayong umaga.

Ani Albayalde isinakay ng chopper ang mga labi ng dating pangulo at umalis sa Ilocos pasado alas 9:00 ng umaga at diretsong lalapag sa LNMB ang chopper.

Mula kagabi may mga napansin nang limang truck na puno ng sundalo na itinalaga sa LNMB.

May mga truck din ng bumbero na nakapark sa magkakaibang entrance ng libingan.

Nilinaw naman ni Albayalde na simpleng libing lang ang magaganap at walang mangyayaring state funeral.

 

 

TAGS: breaking news, Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani, Marcos burial, Oscar Albayalde, breaking news, Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani, Marcos burial, Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.