BSP tahimik sa posibilidad na pagbulusok pa sa halaga ng Piso

By Alvin Barcelona November 12, 2016 - 03:26 PM

bsp
Inquirer file photo

Mahirap pang sabihin kung papalo sa P49 o kahit P50 ang peso-dollar rate.

Sinabi ito ni Bangko Sentral Deputy Gov. Diwa Gunigundo sa isang pulong balitaan kasunod ng pagpalo ng peso-dollar exchange rate sa mahigit P48 na siyang pinakamataas mula noong 2010.

Kung pagbabatayan aniya ang economic fundamentals ng Pilipinas ay walang dahilan para patuloy na tumaas ang halaga ng U.S Dollar laban sa Peso.

Aniya nananatili kasi ang paglago ng ekonomiya at maganda ang takbo ng export at imports ng bansa.

Sa ngayon aniya, ang nagpapagalaw sa exhange rate ay ang negatibong sentimyento sa labas ng bansa.

Kabilang aniya dito ang planong pagtataas ng interest rate ng U.S, ang napipintong pagkalas ng United Kingdom sa European Union at pagbagal ng ekonomiya ng China.

Paliwanag pa ni Gunigundo, hindi maaaring hindi maapektuhan ng paggalaw ng mga nasabing ekonomiya ang iba pang emerging markets tulad ng pilipinas.

Ang pagtaas at pagbaba aniya ng currency exhange ay dedepende sa kung ano ang magiging development sa mga nasabing usapin.

TAGS: basp, dollar, gunigundo, PESO, basp, dollar, gunigundo, PESO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.