NCRPO naghahanda na sa seguridad sa libing ni Marcos

By Ruel Perez November 10, 2016 - 07:39 PM

ferdinand-marcos
Inquirer file photo

Nakikipagpulong na ngayon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang mga concerned agencies may kaugnayan sa paghahanda para sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay NCRPO Dir C/Supt. Oscar Albayalde, nakikipag-usap na sila sa NICA o National Intelligence Coordinating Agency, AFP at Office of Civil Defense (OCD) para maplantsa ang seguridad na ilalatag sa paglilibing sa dating pangulo.

Inaasahan kasi ng pamunuan ng NCRPO ang pagdagsa ng mga raliyista na tutol sa paglilibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani at maging ang mga supporters ng pamilya Marcos.

Nakasentro umano ang kanilang ginagawang pagpupulong kung papaano matutukoy ang mga totoong tagasuporta ng pamilya Marcos na inaasahan nilang papayagang makapasok sa Libingan ng mga Bayani .

Samantala, sa kabila naman na abala na sila sa paghahanda, sa ngayon ay wala pa rin umanong malinaw na petsa kung kailan ililibing ang dating Pangulong Marcos.

TAGS: albayalde, Marcos, NCRPO, nica, albayalde, Marcos, NCRPO, nica

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.