Pagtanggap ng P8 Million drug money ni de Lima idinetalye sa Senado

By Den Macaranas November 10, 2016 - 02:57 PM

leila de Lima3
Inquirer file photo

Idinetalye ni C/Insp. Jovie Espenido, pinuno ng Albuera, Leyte Police Station na mayroon ring hiwalay na affidavit ang isa sa mga anak ng napaslang na si Mayor Rolando Espinosa Sr. na si Kevin.

Sa nasabing affidavit ay nakadetalye ang sinasabing pagbibigay nila ng P8 Million kay dating Justice Secretary at ngayo’y Sen. Leila de Lima.

Naganap umano ang pagbibigay ng pera sa loob ng Dampa Restaurant sa Pasay City.

Sinabi ni Espenido na bukod pa ito sa naging affidavit ng napaslang na si Mayor Espinosa na nagsabing sabit sa kanilang illegal drug trade si de Lima.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, sinabi ni Espenido na nakadetalye rin sa affidavit ng namatay na alkalde na binigyan ni Kerwin Espinosa ng pera si de Lima nang sila’y magkita sa Burnham Park sa Baguio City.

Si Kerwin ay kasalukuyang sumasailalim sa extradition process makaraang mahuli sa Abu Dhabi kamakailan.

Ang nasabing pahayag ni Espenido ay kanyang ginawa habang umiiling at nakikinig si de Lima.

Kaninang umaga ay pormal na ring sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice si de Lima dahil sa kanyang pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons.

TAGS: de lima, drugs, kerwin, kevin espinosa, rolando espinosa, de lima, drugs, kerwin, kevin espinosa, rolando espinosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.