Robredo patuloy na magiging hadlang sa hero’s burial para kay Marcos

By Alvin Barcelona November 09, 2016 - 02:52 PM

Leni Robredo11
Inquirer file photo

Tiniyak ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi ito mananahimik sa isyu ng Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani kahit na nagpasya na dito ang Korte Suprema.

Ayon kay Georgina Hernandez na siyang tagapagsalita ni Robredo, makakaasa ang publiko sa patuloy na pagsasalita ang pangalawang pangulo tungkol sa nasabing usapin.

Naniniwala rin aniya sila na hindi dapat basta na lamang kalimutan ang nakaraan at kailangang harapin ng pamilya Marcos ang mga biktima ng martial law.

Samantala, hindi aniya naniniwala si Robredo na may kamay ang Malacañang sa naging desisyon ng Supreme Court dahil ito dapat ay isang independent na sangay ng gobyerno.

Sa ngayon, ipinauubaya muna nila sa mga grupo ng mga biktima noong martial ang pagkilos laban sa paglalagak sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

TAGS: leni robrado, libingan ng mga bayani, Marcos, Supreme Court, leni robrado, libingan ng mga bayani, Marcos, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.